Saturday, December 14, 2024

Panid Bisaya

Advertisement

0

Central Mindanao Newswatch - local newspaper

Share this post?

Advertisement

Higit 110-K residente ng Bukidnon nakatanggap ng tulong sa Bagong Pilipinas Serbvisyo Fair
By Bombo Analy Soberano -November 12, 2023 | 7:04 AM42

ShareFacebookTwitterPinterestWhatsApp
— Advertisements —

bigas2
Nasa mahigit 110,00 residente ng Bukidnon ang nakatanggap nang tulong mula sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez.

Nasa kabuuang P379M na tulong pinansyal, government services ang nakuhang benepisyo ng mga residente.

— Advertisement —

Ang Bukidnon ang ika-pitong probinsya na binisita ng BPSF para ilapit ang nasa 176 na serbisyo at programa ng nasa 58 na ahensya ng pamahalaan at inaasahang makakabenepisyo ng 110,000 na indibidwal, pinakamalaking benefiriacy base ng BPSF.

Ang pagdalo ni Speaker Romualdez ay para katawanin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na nagbigay ng hamon para dalhin ang serbisyo ng gobyerno sa publiko na siyang prinsipyo sa pagbuo ng BPSF.

RELATED NEWS ❱❱❱
60 gov’t sevices pinagsama-sama sa isang event; PBBM pinangunahan paglulunsad ng…
Bagong Pilipinas Serbisyo Fair dry-run isinagawa sa Biliran – Speaker Romualdez
Ilang Filipino sa Morocco nagpapaabot na rin ng tulong sa mga biktima ng…
Libya flooding na kumitil ng libong buhay ng mga residente,inihalintulad ng…
DILG, hiniling ang tulong ng mga local legislators sa Metro Manila upang…
7 indibidwal na benepisyaryo sa Luna, La Union,nakatanggap ng cash assistance…
ADVERTISEMENT


Kabilang sa mga serbisyo ang province-wide payout ng 22 LGUs ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kung saan inaashaang higit sa is 53,000 na indibidwal ang makakatanggap ng kabuuang P105 milyon na tulong pinansyal.

Ilan pa sa tulong na ikinasa ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa ilalim naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na seserbisyuhan ang mg 4th hanggang 6th-class na munisipalidad.

Unang isinagawa ang pilot test ng BPSF sa Biliran at kalaunan ay sabayang inilunsad sa Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte at Davao de Oro noong Setyembre. Bago sa Bukidnon, huling binista ng BPSF ang Laguna.

Umaasa si Speaker Romualdez na mabisita ng serbisyo caravan ang lahat ng 82 probinsya at maabot ang nasa 2 milyong benepisyunaryo.

Ang nga benepisyunaryo sa mga bibisitahing probinsya ay magkakaroon ng access sa social services; health at medical support; livelihood at educational assistance; serbusyo ng regulatory functions; at iba pang bureaucratic services para sila bigyang kapasidad.

Sa unang gabi ng BPSF sa Bukidnon nitong Sabado, idaraos rin ang libreng pasasalamat concert na inaasahang dadagsain ng nasa 10,000 manonood at gagawin sa Provincial Capitol Grounds.

Related Post

Isa ka lalaki kinsa nag-atubang sa multiple charges ang nakorner sa Barangay 2, Malaybalay City, Bukidnon hapon sa Agosto 24, 2024 Siya nailang si Nardito P. Dum-ogan alyas Dodong Dum-ogan, 34, mag-uuma, adunay kapuyo, ug residente sa Sityo Tagbacan, Barangay Canangaan, Cabanglasan, Bukidnon. Gisikop siya pinasubay sa warrant of arrest sa duha ka kaso sa...
Isa ka 84-anyos nga lalaki ang gisikop gumikan sa kasong rape sa Purok 14, Brgy. Bagontaas, Valencia City, Bukidnon udto sa Agosto 25, 2024 Isa ka 84-anyos nga lalaki ang gisikop gumikan sa kasong rape sa Purok 14, Brgy.Bagontaas, Valencia City, Bukidnon udto sa Agosto 25, 2024. Siya nailang si Francisco Labores y Bedrijo, minyo,...
Duha ka mga lalaki ang gipandunggab sa pre-wedding occasion sa Purok 7, Brgy. Pualas, Baungon, Bukidnon hapon sa Agosto 25, 2024 Sumala sa report ni Police Major Melchor Saraus. Jr., OIC sa Baungon Municipal Police Station, ang mga biktima isa ka 37-anyos ug 25-anyos samtang ang suspek isa ka 33-anyos nga lalaki. Ang mga biktima...